Umabot sa 270.45 milyon na mga scam at spam SMS ang naharang ng Globe noong Setyembre. Ito na ang pinakamataas na buwanang bilang na naitala ng kumpanya mula ng simulan nito ang pag-block ng mga mensaheng natatanggap ng mga kustomer mula sa mga di kilalang numero, kabilang ang mga SMS na may clickable links.
Tuloy-tuloy ang pagtaas ng bilang ng nahaharang na spam at scam messages ng Globe, mula. 68.34 milyon noong Enero hanggang sa umakyat ng 295.74% nitong Setyembre. Ang kabuuang bilang na 1.3 bilyon sa unang siyam na buwan ng taon ay nahigitan na ang 1.15 bilyon kumpara sa buong 12 buwan ng 2021.Kasama na rin sa kabuuang numero mula
Enero hanggang Setyembre and 49.3 milyon na scam at spam messages na may
kinalaman sa mga bangko at iba pang financial institutions. Patuloy ang data
sharing ng Globe sa mga institusyon na ito upang mapigilan ang financial fraud.
Nakapaglabas na ng P1.1 bilyon ang Globe para palakasin ang kakayahan nito na ma-detect at matigil ang mga scam at spam messages.
Mayroon ding 24/7 Security Operations Center ang kumpanya kung saan 100 empleyado ang nagtutulungan na mapigil ang paglaganap ng mga malisyosong mensahe.
Dagdag pa dito, patuloy na tinuturuan ng Globe ang mga kustomer na maging proactive sa pag iwas sa mga panloloko sa internet. Nagbibigay ito ng libreng e-modules at nagsasagawa ng mga workshop sa ilalim ng Digital Thumbprint Program para mahimok ang mga estudyante, magulang, at mga guro na maging responsableng digital citizen.
Hinihikayat din ng Globe ang mga kustomer
na may Android device na maglagay ng mga spam filters sa tulong ng instructional video na inilabas sa Facebook. Maaari ding i-report ang mga spam at scam
messages sa #StopSpam website.
No comments:
Post a Comment